imotiv

Popular Posts

Saturday, December 27, 2008

Sayang Na Pag-irog ...

O Amor na makapangyarihan!
Nang pumasok ka sa aking isipan
Tulog kong puso'y iyong pinukaw
Luksang mga ugat iyong binuhay!
O giliw kung tumingin akoy lihim
Kung mapupuna kunwa'y hindi ka pansin
Kapag may bubuyog sa iyong hardin
Bakit ang alapaap ay kukulimlim ?!?
Kagabing kay ginaw ikaw ay kasama
Ang piping puso ko'y anong ligaya
Subalit ng ikaw ay hahalikan sana
Biglang naputol yaring pagsinta!
Sayang ...sayang ...Sayang na pag-irog
Kay tagal ng layon ay pinutol ng lamok!

No comments:

Post a Comment