Lumaban ako ng parehas
Di alintana kung ako ay may idad
Kahit kalaban ko ay tunay matikas
Basta't para sa bayan... ibibigay lahat.
Sa mga unang yugto ay aking sinukat
Kung ang kanyang kanyon ay talagang malakas
Aking napagtanto na siya ay may Alas
Kay galing at kay husay pala niyang manuwag
Ako'y duguan ngunit lumalaban
Kuhanin mo ang korona ko na may dangal
Ako'y mandirigma ako iyong igalang
Ako ay maginoo paa ko'y wag tapakan
Sa mga huling yugto'y aking pinakawalan
Dati kong bangis sa pakikipaglaban
Nang akin ng ibibigay ang kaliwa kung pamatay
Lintik na Bell tumunog naman!
Akala ko'y tapos na ang laban
Pagkat kamao ko'y niratrat siyang tunay
Ako'y nagulat siya'y muling nabuhay
Kamandag ng suntok ko'y tila wala ng saysay.
Panginoon lumaban ako ng parehas
Ngunit ninakaw ng may mga may masamang balak
Huwag hayaang magtagal sa kanilang palad
Gamitin mo ako... ang iyong tapat na alagad!
imotiv
Popular Posts
-
History of chess problems A chess problem, also called a chess composition, is a puzzle set by somebody using chess pieces on a ches...
-
In December 1845, Charles Henry Stanley (1819-1901) beat Eugene Rousseau (1810-1870) in a match in what was considered the first unofficial ...
-
PETROSIAN RULE: Sometimes winning is the only acceptable outcome. In such a situation, should you adopt a wild opening, swinging for the b...
-
Occupations of Chess Players Here are some occupations of some chess masters and well-known chess players. Accountants and chess ...
-
Miss ko na kayo Leon Asilo Hi Sweetie bigla lang kitang na miss! Nakakainis talaga itong Covid na pandemic Pwede sana akong diyan bumalik Ka...
No comments:
Post a Comment