TAKIPSILIM
May isang bata sa tournament
Ako ay
nakalaban
Agad ko siyang tinantya
Sinukat
ang kakayahan
Kapagdaka ay sinugod ko
Ang kanyang
kaharian
Kitang kita ko siyang namumutla
Katawan ay
nangangatal.
Mga araw... buwan...
taon ay lumipas
Sa Messenger ko’y
May lumabas
na kalatas
May tanong siyang
Labis kong
ikinagulat
Pagtingin nya pala sa akin
Tunay na
kay taas!
Master Noel ... paano po ba
Maging Master
din?
Paano nga ba maging Master?
Bigla akong
napatigil
Paano nga ba maging Master?
Bigla akong
nangigil
Paano nga ga?
Ako’y tila nababatil....
Hindi ako Master ...
Ngunit ako’y naghangad
Na isang araw matupad
Yaring payak na pangarap
Dating bagsik ng tira ko’y
Aking
ipinalasap
Sa mga bigating sina Areque,
Artus,
Bagamasbad...
Paano ko kaya
Sa
kanya sasabihin?
Mangarap ka Totoy
At agad ding gumising
Minimithi mong tala
Hindi mo
mararating
Sapagkat ang ulap
Ay laging
makulimlim.
Bakit nga ga may magaling
Nagpapababa
ng rating?
Bakit nga ga may expert
Nagrerenounce
pagkamaster?
Dahil ba sa pilak ni Hudas
Na malakas
tumaginting?
Magkagayon man
Bakit
walang pumipigil?
Mahirap nga bang
maging
master?
Para lang ba ito
Sa hari ng Juniors at
Seniors at
Olympiad
Qualifiers
O sa mga lumalabas ng bansa
Na may sponsors
na mayamanin?
Totoy huwag
kang
manimdim
Pagkat si Cong
Ay baka
biglang magising
Sa hapag ay
Biglang
maghain
Rating na 2100 or 2200
Pwede nang maging NM.
No comments:
Post a Comment