imotiv

Popular Posts

Tuesday, December 31, 2019

Ano ang uunahin?

Ano ang uunahin?
Leon Asilo

Ako ay naiinip...
Maraming gagawin
Ano ba uunahin?
Tarbaho, pamilya o chess?

Mabuti na lang mabait si Misis
Lagi nag-iissue ng Misis Permit
Sa paglalaro ay okay humapit
Kaysa daw ang atupagin ay chicks

Pero ngayong taon akin munang iiwasan
Pipiliin tournaments na aking sasalihan
Sapagkat napa kumpirmiso ang Mangyan
Maraming utang na dapat bayaran.

Bakit ba kay sarap mag chess?
Tuwing naglalaro nawawala stress
Pagkatapos ng trabaho agad isisingit
Larong nagpapatalas ng isip.

Tuesday, May 14, 2019

AKO AY BOMOTO

             Ako ay Bomoto

Ako ay bomoto at ang ibinoto
Si P sa pagkapangulo
Sa pag aakalang may magandang pagbabago
Akong makikita sa Inang bayan ko.

Huli na ng aking napagtanto
Ako at ang iba ay tila nagoyo
Ang 44 na magiting at palabang sundalo
Ay sukat ba namang kanyang ipagkanulo

Ako ay bomoto at ang ibinoto
Ay si T na parang maginoo
Sa pag aakalang siya ay magbabago
Sa pag aaklas ng siya ay sundalo

Pa like like pa ako sa kanyang facebook page
Talagang akala mo ay inaapi lagi ang peg
Habang tumatagal ako'y naiinis
Pagkat ginagawa'y pansariling interest

Ako ay bomoto at ang ibinoto
Ay si chubby girl sa Senado
Dati rati hangang hanga ako
Maganda ang diction mukhang matalino

Anyare teh nag iba ang ikot
O ikaw ba ay talaga lang malibog
Paninindigan mo ay biglang lumambot
Kahit sa bartolina ikay kumekembot.

Ako ay bomoto at ang ibinoto
May pagkabastos pero maginoo
Pinaglihi sa puwit ng manok ang gago
Walang ginagalang walang sina santo

Pero kung susuriin ang kanyang ginagawa
Ay makakabuti sa bansang bilasa
Na may mga minoryang walang ginawa
Kundi bumatikos at sumuporta sa kaliwa

Bakit ba noong kanilang panahon?
Ay di pinag igi ang kanilang pag timon
Tapos ngayon sila ay walang bakasyon
Pinipilit ang madilim na kahapon...

LeonAsilo

Wednesday, May 8, 2019

Amor Asi's Birthday May 9, 2019

To my beautiful, loving and understanding wife and friend, irregardless if I will be allowed to play chess on May 25-26, June 15, July 6, July 27, Aug. 8-11, August 31, Sept. 7-8 and Nov. 16-17, 2019, thank you for coming into my life! I LOVE YOU.

https://youtu.be/SyclrjMT5_8

Monday, January 29, 2018

TAKIPSILIM

         TAKIPSILIM


May isang bata sa tournament
         Ako ay nakalaban
Agad ko siyang tinantya
         Sinukat ang kakayahan
Kapagdaka ay sinugod ko
        Ang kanyang kaharian
Kitang kita ko siyang namumutla
        Katawan ay nangangatal.

Mga araw... buwan...
        taon ay lumipas
Sa Messenger ko’y
        May lumabas na kalatas
May tanong siyang
        Labis kong ikinagulat
Pagtingin nya pala sa akin
        Tunay na kay taas!

Master Noel ... paano po ba
        Maging Master din?
Paano nga ba maging Master?
        Bigla akong napatigil
Paano nga ba maging Master?
        Bigla akong nangigil
Paano nga ga?
       Ako’y tila nababatil....

Hindi ako Master ...
        Ngunit ako’y naghangad         
Na isang araw matupad
        Yaring  payak na pangarap
Dating bagsik ng tira ko’y
        Aking ipinalasap
Sa mga bigating sina Areque,
        Artus, Bagamasbad...             

Paano ko kaya
            Sa kanya  sasabihin?
Mangarap ka Totoy
        At agad ding gumising
Minimithi mong tala
       Hindi mo mararating
Sapagkat  ang ulap
        Ay laging makulimlim.


Bakit nga ga may magaling
            Nagpapababa ng rating?
Bakit nga ga may expert
            Nagrerenounce pagkamaster?
Dahil ba sa pilak ni Hudas
            Na malakas tumaginting?
Magkagayon man
            Bakit walang pumipigil?

Mahirap nga bang
            maging master?
Para lang ba ito
            Sa hari ng Juniors at
Seniors  at Olympiad
            Qualifiers
O sa mga lumalabas ng bansa
            Na may sponsors na mayamanin?

Totoy  huwag
            kang manimdim
 Pagkat si Cong
             Ay baka biglang magising
Sa hapag ay
            Biglang maghain
Rating na 2100 or 2200

            Pwede   nang maging NM.             

Sunday, July 2, 2017

PACQUIAO AFTERTHOUGHTS AFTER THE FIGHT WITH HORN

Lumaban ako ng parehas
Di alintana kung ako ay may idad
Kahit kalaban ko ay tunay matikas
Basta't para sa bayan...  ibibigay lahat.

Sa mga unang yugto ay aking sinukat
Kung ang kanyang kanyon ay talagang malakas
Aking napagtanto na siya ay may Alas
Kay galing at kay husay pala niyang manuwag

Ako'y duguan ngunit lumalaban
Kuhanin mo ang korona ko na may dangal
Ako'y mandirigma ako iyong igalang
Ako ay maginoo paa ko'y wag tapakan

Sa mga huling yugto'y aking pinakawalan
Dati kong bangis sa pakikipaglaban
Nang akin ng ibibigay ang kaliwa kung pamatay
Lintik na Bell tumunog naman!

Akala ko'y tapos na ang laban
Pagkat kamao ko'y niratrat siyang tunay
Ako'y nagulat siya'y muling nabuhay
Kamandag ng suntok ko'y tila wala ng saysay.

Panginoon lumaban ako ng parehas
Ngunit ninakaw ng may mga may masamang balak
Huwag hayaang magtagal sa kanilang palad
Gamitin mo ako... ang iyong tapat na alagad!

Tuesday, April 25, 2017

ANG PAGBABALIK

Ako'y lumipad kasama ng ibang ibon
Bagwis ko ay nakabuka ...umaga hangang hapon
Malayo ang tutunguhin ...mainit .. ...tumutulo ang sipon
Katawan ay ngalay, uhaw ... gutom
Kay gandang pagmasdan makintab na butil ng dagat
Mga kastilyong batong nagsilbing alamat
Matulaing libingang kasaysaya'y di masukat
Talon na bumubuga ng yelo tila ayaw magpaawat
Pabalik na ang mga ibon
Mabilis ang kampay wari'y may humahabol
Kaya pala'y mga inakay na naiwan ay umuungol
Nanabik kaya sa pagbabalik o sa pasalubong?



Add caption

\